Donate

Kalusugan at Kaligtasan sa YBCA

Tingnan ang page na ito sa Ingles, Espanyol, o Chinese.

Sa YBCA, patuloy naming pinahahalagahan ang kalusugan at kapakanan ng ating komunidad. Ang kasalukuyan naming mga protokol na pangkalusugan at pangkaligtasan hinggil sa COVID-19 ay tumutugon o nahihigitan ang mga kinakailangan ng lokal, estado, at pederal para sa pampublikong kalusugan.

Mangyaring suriin ang mga sumusunod na patakaran at prosesong pangkalusugan at pangkaligtasan:

Batay sa mga patakaran ng lungsod, mariing iminumungkahi ngunit hindi na kinakailangan ang pagsusuot ng mga mask ng mga bisita habang nasa loob ng mga gusali sa YBCA.

Pakitandaan na maaaring higpitan muli ang mga kinakailangan sa pagsusuot ng mask at iba pang pag-iingat upang makaiwas sa sakit depende sa mga kalagayan ng lokal na pampublikong kalusugan.

Hindi na humihingi ang YBCA ng patunay ng bakuna o negative na resulta ng test para makapasok sa aming mga gusali.

Kaayon ng SFDPH, hinihikayat ng YBCA ang lahat na magpabakuna at magpa-booster shot para sa sarili nilang kalusugan at kapakanan ng komunidad.

Kung may nararanasan kang mga sintomas ng COVID-19, hinihiling namin na palitan mo ang iskedyul ng iyong pagbisita sa YBCA. Salamat sa pagsasaalang-alang sa kalusugan ng aming staff at ng iba pang bisita. Hihintayin namin ang pagbisita mo kapag magaling ka na!

Madalas na nililinis at dinidisimpekta ng mga dyanitor ng YBCA ang mga ibabaw, harang, banyo, at lugar na mauupuan.

Gumagamit ang YBCA ng inirerekomenda ng CDC na pansalang MERV 13 o mas mataas, sa lahat ng aming sistemang HVAC.

Sinasagad ng aming mga gusali ang pagpapapasok ng hangin mula sa labas.

Hangga’t maaari, mananatiling bukas ang mga pinto at bintana sa aming mga espasyo para higit na mapababa ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Salamat sa pagtulong na mapanatiling malusog ang ating komunidad.