Ang pag-ibig sa unang linya ay ang bagong pampublikong likhang-sining ni Anna Sergeeva na espesipiko sa lugar. Pinapalibutan nito ang arkitektura ng YBCA ng unang linya ng mga tulang pag-ibig na isinulat mula sa iba’t ibang siglo. Nang maantig sa mga pambungad na linya ng All About Love: New Visions ni bell hooks, nagsulat si Sergeeva ng Python script na mahiwagang hinabi at pinagsama-sama ang mga pambungad ng anim na raang tulang pag-ibig na kinula mula sa koleksiyon ng Poetry Foundation. Tinipon nang tatluhan upang maging saknong ang mga linya ayon sa likas na pagpapangkat ng script, at ngayo’y lumilibot na sa pampublikong espasyo ng YBCA ang mga bagong saknong na ito—gumagapang sa mga pader, sahig, at mga bintana. Sa loob ng lobby, inaanyayahan ang publiko na magsulat ng sarili nilang linya ng pag-ibig sa mga ibabahaging postcard bilang pagkilala na marami pa sa atin ang malayo sa ating mga minamahal.
Kinikilala ni Sergeeva at ng YBCA ang mga hamon ng pagsasalin. Orihinal na isinulat sa Ingles ang pagtula sa pag-ibig sa unang linya, at iyon mismo ay nagtataguyod na ngherarkiya. Sa pagnanais na makalikha ng sining na tuwirang nakikipag-usap sa iba’t ibang komunidad na tumuturing sa SOMA bilang tahanan, piniliang bawat linyang itinanghal sa Espanyol, Tagalog, at Tradisyonal na Tsino ng mga dalubwikang sina Myra Bagalso, Silvia Cardoso, Shirley Lay, Mark Benedict F. Lim, Silvina Lopez Medin, at Yanin Peng, at isinalin upang palitawin ang damdamin ng mga tula, sa halip na tuwirang isalin ang mga ito. Masusi ring sinuri ang mga pagsasaling ito ng mga katuwang na alagad ng sining na sina Miel Esperanza Alegre, Kenny Ng, at Javier Saavedra, na mapapakinggan mo nang tuwiran mula sa audio component ng tula.